Posts Tagged ‘beer’

Usapang Sawi

Posted: April 10, 2009 in alak, anak ng alak, batangas, cr, f4, hiwaga, ibaan
Tags: , , , ,

Wala ako magawa ngayon dito sa bahay, mag-isa lang, syempre walang kasama, walang kahuntahan, walang katawanan, at higit sa lahat, walang kabarikan, paksyet. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame na kulay puti dati na ngayo’y kakulay na ng edsa noong kasagsagan ni Tita Cory, eh naisipan kung umihi, kakulay rin kasi ng ihi ng isang may lagnat itong kisame.

Diretso sa cr na marameng beses ng nasukahan ni junior, baba short, baba brief, hanap patutoy, at ayun! Nakapa ko rin, pwesto… ihi buga, hayy, ayus, kinilig pa nga ako noong pumapatak na ang mga huling sirit ng aking ihi, take note, IHI. Ito yung tinatawag na “kilig-ihi”, na kapag ginawan ng kwento ng mga batikang manggagawa ng alamat ay magiging “kilighi”, ganire ang nakikita kung ending ng alamat ng kilighi, “…At doon nagsimulang matawag itong kilig-ihi na habang lumalaon eh naging kilighi”. Yun eh.

Lalabas na sana ako sa cr pagkatapos kung iwagwag si patutoy at ibalik sa dating pwesto ang mga tumatabing dito, ngunit talaga nga namang hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mapatingin sa salamin na may konting “hamog sa tag-araw”. Napakahirap kasing tiisin ang isang bagay na masarap sa paningin, grabe, ang gwapo ko, hayy, isang bagay na wala akong magawa para remedyuhan, todo eport na nga ako eh ni hindi pa rin mabawas-bawasan kahit katiting man lang, paksheyt, nagpa-“ronreg” na nga eh wala pa rin, tsk, hirap, nakakadipres. Pero sa kabila ng aking kagwapuhan ay naaninag ko ang kalungkutan sa aking mga mata, mapupungay na mga mata. Lungkot dahil mag-isa nga lang ako at walang kasama at kabarikan. Lungkot na hindi ko mawari kung san nagmumula, doon pumasok sa aking isipan ang salitang “sawi”. Ako bay may kasawian na naman? Anong klaseng dagdag kagwapuhan na naman kaya yun? Paksheyt, unfair, laging ako, ako, ako! Oh ito’y dala lang ng puyat na hatid ng padalawang araw ng walang tulog? Ey? Adik. (Pakalat kalat kasi yung rugby dito sa kwarto eh. oy chox! yung rugby mo, tago mo naman pagkatapos mong magsalin sa plastik! nalilikot tuloy ng bata! Ayan.)

Marameng kasawian ang nakaabang sa atin at anumang oras ay pwede tayong atakihin, pwedeng sawi sa pangarap sa buhay. Kahit mga simpleng pangarap lang sa buhay ay nakakapagdulot na ito ng kasawian kapag ang bagay na iyon ay mahalaga para sa isang tao. Gusto ko lang naman ng Max kendi, ung red, dahil mas masarap yun para sa akin, swak sa aking panlasa, ngunit dahil mahina at hindi kasing lakas ng motolite ang iyong “convincing power” sa mga utol mo ay Stork ang binigay sayo, maanghang, hindi malasa, at higit sa lahat hindi red, o db, nakakadepris, peling sawi ka na at imbyerna churvah, cha-ynes veneracion, nakahikdbi habang sinusupsop ang kending hindi mo gusto habang bumubulong bulong ng “Pakyu kayo koa, butas naman ang brief tsaka hindi pa naman tuli, huh! suput!”

Mayroon ding mga sawi sa buhay. Ito yung mga peling sobrang malas na nila, yun bang minsan lang lumabas sa bahay nila eh nahuhulog pa sa estiro na katatapos lang taehan ng tatlong asong street fighter(asong kalye) na gusgusin at kasabay pang sinusukahan ng tatlong lasing na ang pinulutan pa ay panis. Ito rin ay yung mga mahihilig umakyat sa mga “footbridge” dyan sa EDSA tapos ay magkukunyaring tatalon, pero kapag mahaba-haba na ang exposure na nakuha nya sa mga camera ng mga reporters eh baba na rin, la lang, triptrip lang, la magawa sa bahay e, boring, badtrip.

Mas marame ang mga sawi sa pag-ibig. Naku, matagal ng uso ito, panahon pa ng love triangle sa pagitan ng isang homo erectus(chox), homo habilis(renan) at isa java man(bryan), yun eh ayun sa lolo ko ha. Ang kasawian sa pag-ibig ay madalas maikumpara sa katangahan/kagaguhan. Tinatanga ka na, na kahit nagdudumilat ang katutuhanang “Hoy! Tanga, niloloko ka na! Gago!” eh tuloy ka pa rin sa iyong pag-ibig na bulag sa katotohan. Ang madalas palusot? True love kasi, at sasahugan pa ng “love is blind”, ey? Gawin na lang nating “Love is blind, but marriage is the eye opener.”. Pero infairness, mahirap kasi labanan ang mga nagtitibukang puso, lalo na ngayong panahon ng semana santa, long holiday, marame-rameng date yan at eye ball ng mga kitikitexters, ingat lang, baka holdaper ang ka-eye ball mo, malas mo, nalove at first sight sa cellphone mo.

At biruin mo nga naman, mayroon ding sawi sa barikan. Hehehe! Isa dito ay yung mga hindi na kaylangan ng unan, higaan o sandalan para lang mahimbing sa pagtulog, ipatong lang ang braso sa lamesang inuman, iub-ub ang ulo dito at presto, mahimbing na ito, after 3 years na ang gising, at naglalaro na rin agad ang laway, baba, taas, baba, taas, minsan ay nakakatuwa at nakakaaliw ring pagmasdan ang tutulong laway, eksayting kung kelan siya malalaglag. Malas mo lang kung biglang humangin ng malakas at mapunta sau ang mahaba-haba na ring “lubid-laway”(patulong laway, parang yoyo kung maglaro) na sa kinalaunan ay tinawag ng “lubidway”. Yun eh, alamat na naman.

Isa pa ay yung mga nagmumukhang punching bag ni pakyaw ang lolo nya(yun bang: “Ung lolo ko!”). Hehehe! Pabilisang magisip ng ibabara mo sa kwento, istorya, pag-aari, achievements ng kabilang lolo. Ilan sa dapat na katangiang dapat taglayin ng mga nagyayabang sa lolo nya eh ang pagiging cre8tive, masusing pakikinig sa babarahing sasabihin ng katunggali, marunong magpaligo ng lokoloko, kayang patigilin ang electric fan na naka-number 3 sa pamamagitan ng pilik mata, kayang mangulangot ng walang ginagamit na pangsungkit o daliri, “look! no hands!” at higit sa lahat, ang kayabangan na sasahugan mo syempre ng humor at magandang delivery para hindi sa suntukan mauwe ang kwentuhan, hehe! Pwede sumali kahit hindi mo idol si FPJ.

Isa pa nito ay yung mga pagkatapos pa ng barikan magiging sawi, aftershock attack, parang si renan, hanggang alas-dyes ng umaga nasuka. Pasumpa sumpa pa pagnasuka, ang litanya? “Putahhh! Hindi na uleyt ako magbabarik, hek! Uuuwaaahhhhkkk! Eekkkk! Haaahh! Tang—Uuuwaaahhhhkkk!! mamatay na koww! Hindi akuu makahinga, hhaaaaaa! Uuuwaaahhhhkkk!!”.
O sya, pahid na, pahid na. Permi namang!

Ang pinakayoko lang eh ang maging isang sawing payaso. Ey? Payasong sawi. Payasong nakikita mong masaya at hindi mo pwedeng makitang malungkot o lumuluha dahil sa siya’y isang payaso. At kapag nakakita ka ng isang malungkot na payaso, para kang nadaanan ng tide, “gulat ka noh?”. Masisira nag puting make-up sa mukha, masisira ang itim na make-up sa paligid ng mata at malalaglag ang pulang bilog sa ilong, yari ka, sira ang japorms mo, wala ka na ngang tip, wala ka na ring tarbaho. Mahirap ang magsuot ng maskarang masaya araw-araw para mapagtakpan ang iyong kalungkutan, bumibigat pa ang maskarang iyon. Kaya naman saludo ako sa mga nakakagawa nito, parang commercial ng neosep, “Magaleng! Magaleng! Magaleng!”.

So pano? E biogesic na yan! “Ingat!”

Salitang madaling sabihin. Salitang di ko alam kung sino nakaimbento. Siguro’y sa barikan din nina juan at pedro.

Ito ay hindi ko ginagamit msyado kapag ako’y nagsasabi ng isang bagay o katagang dapat pangatawanan o pangako sa madaling salita, oo peksman! mas malimit ang katagang, “Mamatay man ako” o kaya ay “Pramis” na sasahugan pa ng “kros may hart” para mas kapani-paniwala. halimbawang may nag-aayang magbarik, “Punta ka sa bahay ha, barik tayo, walang pasok ang sabado at linggo, o ano?”, na sasagutin ko lang ng, “Sige”. Syempre diskumpyado ang kausap ko sa sagot ko na yun, mangingilid ang luha ng kausap, dyan papasok ang mga salitang ito, “Oo nga, mamatay man ako, pramis pupunta ko, kahit meron ako, kros my hart. Lab yu nga eh.”(with matching tantalaysing eyes.). Pero ito, mas hardcore, pinakamalimit lalo na sa amin doon sa talaibon, mga oras na may nautot at may puputak ng “P*%@NG IN@!! Amoy sugalan!!! Sino ga na namang nakadiga??!”, na sasagutin ng mga katabi na parang kwayr sa simbahan kung gano ang pagkakasabay sabay ng tenor at baho na mga boses, “Iyong ama! Nay ike… Ay mapeste na!”, haha! tangging mabubulok lage ang drama. Pero kahit ganyan ang drama eh nahuhulaan pa rin namin kung sino talaga ang salarin, ito yung tahimik na tumataas baba ang mga balikat, namumula ang mukha, nakapikit ang mga mata habang nakayuko, tahimik na pinipigil ang pagtawa, lumuluha sa kagalakan dahil may nakaamoy ng kanyang ngitngit. May nagdadalamhati at nagsisisi kung bakit siya’y nakahinga pa ng mga sandaling iyon. Laking pagsisisi. Bakit nga kaya napakahirap aminin na ikaw yung nautot, lalo na kapag mas mabaho pa sa imburnal doon sa may edsa cubao na malapit sa footbridge? Kahit ipagpustahan ang lahat ng angkan eh ayus lang basta tatanggi na siya ang umutot.

Minsan ay nakakapangako ako sa ibang tao na hindi ko natutupad lalo na kung hindi pinag-isipan. Pero iba ang bagay na nangyari sakin ngayon. Di man ako nakapangako, di ko man sinabi ang salitang “Peksman”, eh gusto ko pa rin tupadin ang pangako ko na hindi man lang naikumpas ng aking dila. Pangako sa sarili. Ibang lebel pala ito. Mas mahirap, pero mas agrisibo kang tupadin. Gaya ng sabihin ko sa sarili ko na, ako’y magbabarik ngayon, aba, at nagbabarik nga ako ngayon, kahit mag-isa, kahit walang ka wentuhan kundi itong laptop na walang masagap na internet. Kahit peling sawi. Kahit walang kayosian. Kahit bukas pala zipper ko, sheyt! Wala pang nagtetext, buset. Bakit kasi makakaisang bucket na ako eh hindi pa rin nagtetext itong si chox? o baka naman, andito na siya, hindi ko lang napapansin dahil hindi ko makita. Hindi kasi siya nakaputi ngayon. Peksman!

Pero ayon sa sagradong libo na nabasa ko na nagmula pa sa aking lolo na tumalo sa lolo ni sir erwin alyas Ping Guerero, eh dapat daw igalang ang salitang Peksman! Ito daw ay ginagamit na ng mga kano at pilipino noon pa, lalo na noong binigyan tayo ng kalayaan ng mga kano. Ang usapan kasi nila eh ganito:
Kano: owh phano? nathalo nha nhateyn ang mga hepon sa thulong nhaming mga phote, khame mamahalah senyoh, ha?
Pilipino: Salamat po, utang namin sa inyo ang aming pag-alpas sa kuko ng mga mahilig sa anime porn! mabuhay kayo, mas maganda ang hardcore nyo!

after ahmmm…. 2 yrs?

Pilipino: kaya na namin ang magpatakbo ng sariling gobyerno, ibigay nyo na sa amin ang kapangyarihan dito sa aming bansa, sa republika ng pilipinas, hayaan nyo na kame.
Kano: Oh siyge, shenyo nha itho, maramey na nhaman khamey lufain eyh, dhagdhag sahkeyt lang keyo sa yulo.
Pilipino: talaga? mamatay man lolo mo?
Kano: oh oh nga, Peyksmen!
Pilipino: Yahooo! this calls for a celebration! lets party! lets drink till we drop!!! Inday! ihanda ang inumin at ang alay!!!! hindi ako malalasing ngayon sa mga kanong ito, PEKSMAN!!!

ayan lang yung nasilip ko sa libro ng lolo ko, kaya yan lang pwede ko ibahagi sa inyo, sayang mahaba pa naman yun. hukayin ko nga iyon. heheh!

o siya, kaylangan ko ng magkonsentrayt sa aking pagiinom at pagninilay, magsosol sertying ulit ako kahit nabarik, masubukan lang, baka mas epektib. o sya, barik barik barik tayong lahat ngayon! Lets drink till we drop! Walang susuka kung hindi eh sya ang alay, PEKSMAN!

Ayun! Nakasingit ako ng oras para makapagsulat dito sa nagtatampo ko nang pitak sa internet. Kahit pagsilip man lang kasi sa stats ng pitak na ito eh hindi ko na magawan ng paraan para masilip, medyo kritikal kasi ang mga pangyayari sa aking masalimuot ngunit napapasaya pa namang buhay, mas kritikal pa sa lagay ng isang tao na kung hindi nakakapit sa isang bulateng payat na naghihingalo na nakausli ay mahuhulog na sa banging may lalim na hindi nasukat ng mga nakatatandang tao sa lugar na iyon, mga ninuno. Maraming isipin na nangangailangan ng buong atensyon ng isang maglalasing.

Eniwi, naisip ko kasi na ilathala na ang aking tula para sa aking kaopisina, “koya”.  Ito ay tula tungkol sa regalo ko sa aking monito na sa kasamaang palad ni kuya sperns ay siya, sa ayaw man niya o sa hindi, wala na kasing bawian. Noong pasko pa dapat ito, nung bday pa ni papa jesus, magmamahal na araw na, mamamatay na si papa jesus at mabubuhay uli eh hindi ko pa nagagawa. O sige ito na, pamagat nito? “Sa aking Monito”, naks! napapanahon!

Sa aking Monito
by henyo

Di ako makagawa ng tula
tungkol sa aking regalo
Ang alam ko lang
ito’y para sa’yo
Di ko rin alam
kung bakit ito ang napili ko
Basta’t ang mahalaga
ito’y galing sa kaibuturan ng puso kong lito.

Di man mamahalin
itong aginaldo ko
Walang nakadikit na dyamante
sa hawakan nito
Ni hawakan nga eh wala ito
Ngunit maaayos ang bawat gulo na daanan nito.

Siguradong bobongga ang porma’t ayos mo
Basta’t ika’y armado nitong aginaldo ko
kaya’t wag kang mabahala kapag ito’y kasama mo
Mga tsiks at tsiklash, sulyap ay garantisado!

Kaya’t tanggapin mo ang bagay na ito
Maiksi at payat na parang ako
Pakita mo sa madla kung nais mo
Sigurado at tiyak! Inggit sila sa iyo.
Kasama na ko…. =)

Ano sa palagay nyo tinutukoy ko na regalo? Mali! suklay yun. At kahit Enero na niya natanggap yung mga regalo ko eh wala pa ring pagsidlan ang kanyang saya at galak, muntik pa ngang mabutas ang kisame sa opis, nauntog kasi siya doon sa sobrang taas ng mga talon at lundag nya, ayon tuloy, nung sinubukan nyang gamitin ang suklay na regalo ko eh naging hindi swabe ang hagod sa ulo, ang laki kasi ng naging bukol nya. Mas malaki kaysa sa nakita kong “nakabukol”, nahulog din kasi ang pantalon nya nung magtatalon sya, nakita ko tuloy yung brief nya na kulay yellow na ayun sa labandera sa “pretty wash” eh dating white yun. Talon kasi ng talon yun pala eh walang sinturon. Ayun may bagong salawikain akong nabuo, o ha! “Huwag talon ng talon kung walang sinturon.” at isa pa,  “Ang suklay ay di pupukol kung ika’y may bukol”. Ayus!

O sya, sa susunod na ulit, kaylangan ko pang mag gasolina, mukhang nakakaamoy kasi ako ng inumang nagaganap sa 87 C, hmmmm…. amoy bula ng beer, Colt45, nasa pitsel, may yelo. hmmmm… o sya ako’y naglalaway, kawawa naman ang langgam sa aking paanan, baka matuluan pa. Barik na!