Ikot ng Pag-ibig

Posted: January 6, 2014 in anak ng alak, kwento, love, tula
Ikot ng Pag-big

may akda: henyo

Nagmahal ka na ba?
Tulad ng maraming tao dito sa mundo
Nagbigay ng tiwala ng walang pagkantiro
Inilahad sa aksyon ang sigaw ng puso
Nag-alay ng walang hinihintay na aro

Nasaktan ka na ba?
Maiwanan dito sa mundo ng mag-isa
Tiwala na binigay ay nasira
Nabaliwalang aksyon ng pagmamahal
Ang sukli ay maraming pag-atungal

Nakabangon ka na ba?
Lumabang mag-isa sa binigay na hamon
Handang magtiwala muli at umahon
sa lalim ng hukay ng pusong nakabaon
Mag-alay muli ng pagibig na walang lason

Muling nagmahal ka na ba?
Masaya tulad ng marami
Nagtitiwalang muli
Umaaksyong muli para sa sigaw ng puso
Nagmamahal muli ng walang takot at buo

Nagmahal…
Nasaktan…
Nakabangon…
Muling nagmahal…
Ikot ng Pag-big.

Kape

Posted: December 7, 2013 in anak ng alak, batangas, love, tula

Mga pre! Kape muna ang ipaglalaban natin dito, kalma muna tayo sa alak. Medyo maraming bisi moments. Mas kailangan ang pampagising kaysa sa pampadaldal at pampalakas loob at pampapoging alak, hahahah! Tara, tula-tula muna tayo.

KAPE

may akda: henyo

Gusto ko ng kape
Mahirap mabuhay ng wala nito
Binubuo lagi ang araw ko
Lalo na kung ito ay puro

Nakakagising at nakakasigla
Sarap kasama pagmulat ng mata
Sa gabi nama’y ayaw akong patulugin
Pupuyatin at pananatilihin akong gising

Ganyan ang kape.
Gusto ko ng Kape.
Mahal ko ang kape.
Parang…

IKAW

.

Syang aking kape.

CHEERS! Hindi na bawal ma-inLAB! ^^ RAKENROL PA RIN!

HOY! Bawal Ma-inLab! May namatay na dito! XD

Ang salitang “Bawal magkasakit.” ay kulang sa mga panahon ngayon kung gastusan ang pag-uusapan. Dapat isama o idugtong ang “Bawal Ma-inLab.”

Sa mga panahon ngayon, yan lang ang maipapayo ko sa mga taong single. Yup! S-I-N-G-L-E. Sa mga “Forever Alone” ang drama ngayong malapit na ang Semana Santa. At oo, putek, tulad ko.

Sa mga taong nag-iisang manood ng sine. Tamad pumasyal kasi walang kasama. Walang kayakap sa malamig na panahon kundi ang amoy laway na unan. Walang mapagkwentuhan ng nangyari sa buong araw ng buhay nya, kung anong kulay ng tae nya kaninang umaga. Easy lang kapatid. Hindi naman malungkot maging single kahit wala ang mga nabanggit na yan sa buhay mo. Marame din naman ang mga benepisyo ng pagiging tigang sa pagmamahal, atensyon at aruga.

Unlimited Gimik (hustle free pa).
Pwede hanggang umaga kang lumaklak. Pwede ka sumama kahit saan ang lakad ng tropa, kahit pa libreng bakasyon sa bayan ng mga Amptuan. Kahit “Palparan Hunting Trip” pa yan. Wala kang iintindihin kundi sarili mo. Walang istorbong text na nagtatanong kung… “ano na ang ginagawa mo”, “sinong kasama mo”, “may babae ka bang katabi”, “may brief ka bang suot”. At may mga banta pa na, “Kapag nag-iba ang lasa ng laway mo pagbalik mo dito, patay ka sakin. Ibig sabihin may hinalikan kang iba!” wow…. Yan, walang hustle na ganyan. Malaya kang gawin ang lahat ng iyong naisin ng hindi nangangailangang mag-paalam, matakot, o humingi muna ng second opinyon sa iyong bf/gf/asawa/kabit/gatasan/MU/SugarDaddy/SugarMommy/FriendswithBenefits/[insert here]. Malasing ka? Walang problema! Maghubo ka? Walang problema. Magkandirit ka habang hubo? Walang problema! Pipitikin ka nga lang sa itlog ng mas lasing mo na tropa. At pakatandaan na iwasang magkandirit ng hubo kapag alam mong may videocam ang kasama mo, magiging viral ka sa facebook o youtube sa ayaw at sa gusto mo. Trend ka rin sa twitter. #anakngdelayednadalaga!

Wala kang babadgitin na itatag as “Miselenyus”
Hindi ka na mamomroblema kapag malapit na ang Balentayms Day at nagkataong wala kang pera dahil sa taas ng binayaran mong kuryente sa kakapanood mo ng walang katapusang Impeachment Proceedings kay Corona. Hindi ka na rin magtatagal sa mga mall, gift shops, o tiangge sa kahahanap ng malaking teddy bear o anumang stuff toys, na mura. Mura at malaki. Dyosko. Mahirap yang hanapin sa mga panahon ngayon. Pa-extinct o rare item na kasi ang salitang “murang bilihin”, lalo na pagdating sa mga “basic” o mga pang “noob” na regalo tulad ng teddy bear, at mga bagay na may tatak patungkol sa love gaya ng damit, unan, silver na kwentas o bracelet na may pendant pa ng initial ng pinagbigyan, at syempre, bulaklak at tsokolate, na amputek!! mas mahal pa sa bigas, karne ng baboy, manok at baka.

Ito. Sampol na badget note, ng isang hamak na empleyado, para sa isang buwan. Sabihin na nating nasa P15, 000 ang buwanang sahod tapos mga item na karaniwang binabadget ng mga normal na nilalang. Game.

Magkano Para Saan?
4, 000 Inuupahang Bahay
400 Kuryente
100 Tubig
440 Pamasahe Pagpasok ng Trabaho (22 days x 20) P20 balikan (shaw-pasig)
3, 000 Pagkain (Matakaw ako at tipid pa yan)
1, 000 Alak at pulutan (tipid na tipid)
400 Kung may yosi ka
2, 000 Gimik, Barkada, Social Life
(Alangan namang nakakulong ka lang sa kwarto pag weekends)

Pang-gastos sa hobby at mga interes

Pambili ng matipuhang gadgets o anik-anik, o kaya’y sa damit

2, 000 Grocery (Mas mahal kapag madalas ka maligo)
200 Pag may napansin na magtitinda ng kwek-kwek, pisbol, mani, lumpia, turon, etc.
1, 000 Pamasahe pauwi ng probinsya (batangas), 1 beses isang buwan.
Para lang magpakita at malaman ng pamilya mo na buhay ka pa at may pag-asa pa ang lahat. Wow!
50 Pag nasa mood at nakakita ng pulubing bata na humihingi ng barya para
makapag-online at makapag-facebook, dota, youtube, redtube, torrent, 9gag,
at makasama sa kilusan laban sa punyetang SOPA, PIPA, ACTA, PUTA!
(tunog brotherhood, dagdagan lang ng ALPA sa una)
14, 590 Total Budget
15, 000 Total Sahod
410 Matitira sa pera. Taong Wallet. (poor hundred ten)

Ayan. Saan ka ngayon kukuha ng budget mo para sa “Miselenyos”? Eh paano pa kapag nag-pop-up sa notification ng facebook mo na, “Omegash abelgash! Birthday ng….bf/gf/asawa/kabit mo and 2 others!! Write on her wall.” Ayun, doon na naghalo ang balat sa tinalupan. O diba? Sakit sa ulo? Kapag single ka, walang ganyan. Hindi mo na kakailanganing isangla ang iyong kaluluwa kay gloria o ipagbenta mo na naman ang iyong murang katawang lupa para lang may maipangbili ka ng punyetang regalo o panggastos sa surpresang handa para sa kanya, o pang gastos sa isang pa-espesyal na araw na may sahog na pasyal, sine, pagkain sa medyo mamahaling kainan bukod sa karenderyang may mantel na tsekerd, na sapin, ang lamesa at may bulaklak sa gitna. Heh! Iwas praning mode.

Haayyyy…
Marami sana akong gustong isulat kaso, tinatamad na ako at isa pa, naalala ko na maglalaba pa nga pala ako at magsasaing, at magluluto pa ng ulam, at maglilinis ng kwarto, at magliligpit pa ng kinainan ko kaninang tanghali, kasi nga single. Ako lang ang gagawa ng mga bagay na iyon at wala ng iba. Yun lang. Disadvantage yan mga pre, hahahaha!

Basta ang mahalaga, naisaad ko dito ang mga advantage at disadvantage ng pagiging loveless at mag-isa. Bahala ka na sa buhay mo kung anong pipiliin mo. Ikaw naman ay malaki na at may sarili ng pag-iisip. Hingi ka na lang ng advice sakin kapag nagkaproblema ka sa pinili mo. Basta dala ka ng alak at pulutan ha. Unlimited advice ang ibibigay ko sayo! Mas maganda kung malasing mo ako, para mas matino ang sasabihin ko, hehehe!

Ito na lang ang payo ko sa mga taong hindi mapigilan ang magkaroon ng (liver) LOVER (boy). Para makatipid ka, gamitin mo ang ancient teknik na naimbento ng mga unang tao sa Pluto. Ang ancient teknik na ito ay tinatawag na, “AkoAyGago” teknik, na sa Jupiter ay binansagan namang “Takas-At-Exit” o TAE teknik. Ang paraan ng paggamit nito ay sensitibo at kumplikado. Ipinapayo ko sayo na bago mo gamitin ito ay kumonsulta ka muna sa suki mong doktor at magpareseta ng clusivol. Bumili ka rin ng Biogesic para “ingat!”.

Ganito ang teknik. Kapag halimbawang alam mo na may paparating na delubyo, o mas kilala sa tawag na “gastos day”, yung mga tipong malapit ng sumapit ang mga araw na ‘di mo maiiwasang gumastos gaya ng anniversary, monthsary, sanitary, hiraya-manawari, birthday, balentayms, o pasko. Bigla mo siyang aawayin, mag-galit-galitan ka sa kanya at huwag mong sasabihin ang dahilan kung bakit. Hayaan mo siyang mag-isip kung bakit ka nagagalit. Huwag mo syang papansinin, tatawagan, i-tetext, i-popoke, i-message sa fb, post on wall. Panatilihin ang sitwasyon na ganito hanggang sa lumampas na ang araw na gagastos ka sana. Halimbawa, ang anniversary nyo ay Aug. 11, simulan ang teknik sa Aug. 9 hanggang sa Aug. 14. Kelangan tatlong araw pagkatapos ng date na iniiwasan mo. Kritikal itong parte na ito kasi pag-napaaga ang pakikipagbati mo sa kanya e maari pa syang maka-hirit ng post celebration. Ito yung tinatawag na “Belated”, belat! Basta, tatlong araw dapat, tapos pwede mo na sya batiin, kumustahin at sabihin mo na sorry at kung gaano mo sya namiss, at kung gano mo sya kamahal. Wag ka aamin sa kagaguhan mo. Galingan ang pagpapaliwanag kung bakit ka biglang nagalit at nasiraan ng bait. Kapag tagumpay ka, lusot ka sa gastos, at may partner ka pa rin. Yeah. Galing mo! At kapag ito nga ay ginawa mo sa tunay na buhay, at epektibo, napatunayan ko na talagang…. Gago ka! Punyeta ka balbon! Hahahah!

O sya sya. Marami pa ko gagawin.

Bawal ma-inLab! Inom na lang at RakenroL! \o/

Lab Istori

Posted: October 22, 2011 in alak, batangas, hiwaga, Salawikain, tula
Tags: , , , , ,

“Kamusta na ga? Lintik na yaah, be’y wala ng balita na sa iyo? HOY! magsulat kana uli sa anakngalak! Ako’y wala ng mabasa, lalo na ng mga walang kwentang babasahin tulad ng sa iyo! ano ga?”

Yan ang bumungad na tanong sa akin ng aking walang hiyang kaibigan sa FB na akala mo’y ako’y kanyang binabayaran kung mag-utos. Pupungas pungas pa ako habang nagkakamot ng pwet na di nauubusan ng kati. Pikit pa ang isang mata at kakabangon lamang sa higaang nabasa ng laway. Buti na lamang at nakahigop na ng dalawang lagok ng mainit na kape, kung hindi eh hindi magpoproseso sa utak ko ang aking nabasa.

Naisip ko tuloy na makumusta na rin nga ang aking pitak na ito. Aba! may isang taon na nga pala akong walang post! Anak-ng-delayed-na-dalaga! Nalintikan na.

Kaya ito, sulat lang ng kung ano-ano, masabi lang na may update. Eh napapagkamalan ng patay ang anakngalak blog. Hindi naman po sa deds na, napasarap lamang sa paglaklak at hindi na nahuhulasan kaya hindi na makapagsulat.

Noong isang araw habang ako’y walang magawa at pakuyakuyakoy lang sa veranda habang nag-iisip ng mga bastos, na sinasabayan ko ng paghigop ng kape at paghithit ng yosi, sa katanghaliang tapat, eh napansin ko ang malaking ulap na kulay puti na mabagal na umuusad sa himpapawid na hindi ko alam kung gano kalawak. Korteng puso ito na parang may li-at (crack) sa gitna. Parang maputik na itlog lang ng sira-ulong hubo. Ganong klaseng bitak. Maiintindihan mo ang gusto kung isalarawan kung nakakita ka na ng itlog ng mga taong mas malimit pang mag-birthday kesa maligo tapos ang trabaho pa ay magsaka ng bukid. Sa madaling salita, korteng pusong nabibiyak, broken-hearted cloud. awtsss! ansakit naman. Bigla ko tuloy naisip ang mga kababuyang napanood ko sa isang bold movie, yung hard core. Biyak talaga. hehehe! Pero sa usapang hindi bastusan, bigla akong naging emo. (OO, may mga emo moment din ang mga maglalasing lalo’t bagong gising!) Naisip ko ang aking mga kaibigan na kung makahingi ng advice eh akala sakin eh si PAPA JACK. (hoohooo! idol!) Naalala ko ang kanilang mga usaping puso. Pusong-pagod, pusong-lito, pusong-sabik, pusong-malibog, pusong-tanga, pusong-baliw, pusong-hindi-ko-matanto-kung-may-utak-na-kanya. Kaya ito, napagawa tuloy ako ng tula tungkol sa usaping PAG-IBIG. Yung wagas na pag-big ang tinutukoy ko, puso ang pinapairal, pagmamahal, hindi yung pag-ibig na hubo lage ang tingin sa kapareha. O ito na.

Lab Istori
may akda: sawingpayaso

Nagmahal, nasaktan
Nagbigay, pinagdamutan
Nadapa, tinapakan
Lumuha, pinagtawanan

Pag-ibig na hilaw
Ang talo ay ikaw
Sumikat man ang araw
Sa ulan ay nakatampisaw

Bakit pumapayag?
Bakit hindi man lang pumalag?
Dahil ika’y talunan
Sa tanga ay huwaran

Ngayon ay lumarga
Isiping may bukas pa
Pag sa dami pa dya’ng iba
Gaganda pa ang istorya

Magmahal muli, humandang masaktan
Magbigay muli, humandang pagdamutan
kung madapa, huwag hayaang matapakan
Tama na ang luha, pagtawanan ma’y nakatingala

Gawing makulay at maganda
Ang sariling istorya

–END

Kaya mga kapatid, kahit anong unos ang dumaan sa ating buhay-pagibig, tuloy tuloy lang. Ang salitang “bigo” at “sawi” ay hindi naimbento kung walang pag gagamitan, at hindi rin naimbento ang salitang “pag-asa”, “paglaban”, at “tagumpay” kung walang ganyan sa ating tunay na buhay.

Laban lang at ituloy ang pag-RAKENROL sa buhay. Bakit sisimangot eh ang daming dahilan para ngumiti? Tulad na lang ng libreng beer, pag nakita ang crush, pag nakaabot ng maluwalhati sa bahay pag taeng tae ka na, at syempre pa, libreng boso sa seksing tsik na walang pakundangan mag-mini-skirt sa dyip, tapos ay masama ang tingin sayo pag napatingin ka sa legs nya. aysus.

Laging tandaan mga ateh at koya:
“Hindi tayo ginising ng Dyos para sumimangot lamang.”

At oo, lasing ako kagabi! 😀

Ang bansang United States ang sinasabing may pinaka maraming roller coaster ayon sa aking masusing pag-go-google habang nagkakamot ng pwet na hindi ko maintindihan kung baket hindi nauubusan ng kati. Umaabot sa 614 ang bilang nila sa bansang iyon. Ang pinaka-malaki ay kayang magsakay ng 30 katao, pero pwede ring 32 kung handang sumabit at mahulog yung dalawa o kaya nama’y isinama mo sa bilang ang tsuper at kundoktor nito kung sakaling adik ka. Nakakamangha? Hindi.

Walang-wala yan dito sa Pilipinas. Kung susuriin at bibigyang pansin lang sana ng mga taga-Guiness ang EDSA, baka maubos ang pahina ng libro nila sa kabibilang at kakatara sa mga makikita nilang roller coater doon. Nasa 700-900 ang karaniwang dumadaang roller coaster doon araw-araw, at nadadagdagan pa kapag may strike ang mga dyip, at nasa humigit-kumulang 2000 kung isasama mo ang mga nahuli ng MMDA sa mga kadahilanang: walang prangkisa o kolorum, nagbubuga ng sobrang itim na usok na animo’y may nasusunog na negro sa loob ng makina, lasing ang driver, lasing ang kundoktor, walang lisensya, walang helmet o walang makina.

OO, mga bus sa EDSA ang tinutukoy ko. Mga roller coaster ang mga iyon na nagpapanggap na bus, parang mga transformer, mga transformer na made in china na tinipid sa pyesa.

Lintek kung tumakbo, aakalain mong sakay ka sa isang sasakyang pangkalawakan na galing future at minamaneho ni shaider habang kalampungan si annie. Para ka ring nakasakay sa balikat ni “The Flash” habang ito ay tumatakbong papalayo mula sa kanyang nagwawalang amazonang asawa na si Zena. Matindi. Hindi pupwedeng maglakas loob na sumakay dito ang mga may maseselan at mahihinang puso lalo na yung may malalaking itlog, tiyak, magkakapalit ng pwesto ang puso at itlog mo, ito eh kung sakaling palarin ka na makarating sa iyong pupuntahan ng hindi naaaksidente. Mararamdaman mo na lang na may natibok sa pagitan ng mga hita mo, at mararamdaman mo rin na parang gusto mong kamutin ang dibdib mo dahil sa hindi maipaliwanag na pangangati. At pag sinubukan mong tumakbo, maririnig mo ang pamilyar na tunog ng dibdib mo, yun bang “tog-tog.. tog-tog.. tog-tog.. tog-tog..”, hindi yun tunog ng tibok ng puso mo, tunog yun ng itlog mo na tumatama sa mga ribs mo, padribol-dribol sa dibdib mo. Pero wag mag-alala, hindi yan nakamamatay. Bumabalik din yan sa dating pwesto kapag kabilugan ng buwan, at ito’y pagkatapos ng “Saksi”.

Kung kaya’t ngayong nalalapit na ang pasko at kung ikaw ay nagtitipid(at ikaw ay handang gumastos ng 20 pesos), at balak mong ipasyal at e-date ang iyong girlfriend o di-kaya’y pamilya mo kasama ang mga kids, eh dito ka na sa EDSA. Hindi mo na kaylangang pumunta pa sa mga amyusment park tulad ng Enchanted Kingdom at Star City, at gumastos ng malaki para lang magsisigaw at takutin ang sarili. Punta kana lang sa EDSA, pumara ka ng bus. Piliin ang bus na hiyang sayo at sa mga anak mo, bonus kung ang bus ay naaayon sa kung kelan ka ipinanganak, zodiac sign mo, at kung anong oras ka huling tumae. Ayan presto! Sakay ka na ng roller coaster! Huwag mo lang kalilimutan na magdala ng mga snacks, larawan iyong ina , pamalit na damit, nail-cutter, at plastic bag na rin kung sakaling madali kang mapasuka. At kung ikaw ay lalaki, huwag na huwag mong kalilimutan ang supporter brief mo. Magdala na rin ng dalawang blade kung sakaling hindi mo kayanin ang “thrill at eksaytment” at magpasya kang tapusin na ang iyong masarap na paghihirap.

Pero kung ako laang ang tatanungin, mas mabuti pang magbarik na laang. 55 pesos lang ang gin kwatro, 20 pesos na pulutang anik-anik, 5 pesos na yelo (2), 38 pesos ang isang kahang yosi, at presto, paskong pasko! hohoho!

Anak ng Alak on Facebook

Posted: October 14, 2010 in alak, anak ng alak
Tags: ,

OPO. May facebook page na po si Anak ng Alak.

Ito ay binuo(sa tulong ng malikhain at malikot na isipan ni r3d3ye), pinaghirapan na e-rehistro at lagyan ng Profile Picture ng ating butihing kabarikan na si Renan. Maraming salamat sa kanyang di nabaling determinasyon sa pagbuhos ng kanyang oras at pagod para sa paggawa nito. Sinuong ang haba ng proseso ng pag-rehistro at pagpupuyat malagyan lamang ng pitsur. Salamat.

Kung gusto ninyong updated kayo sa mga kahibulan ng inyong lingkod, puntahan lang at i-like ang page na ito. Doon ko sinusulat ang mga scrap-scrap ng mga bago kung sulatin, likha ng imahinasyon, at mga Facebook status na naiisip ko kapag bagong gising at may hang-over, at naiisip habang tumatae na kapupulutan ng aral lalo na ng mga “kids”, at mga bagay na talaga namang makatutulong ng malaki sa buhay ng maglalasing, at mga bagay na maaaring susi sa pag-unlad ng Pilipinas.

Kaya tara! Sali at ng mapabarik din!

 

Anak ng Alak

Anak ng Alak

 

OMG

Posted: May 15, 2010 in alak, anak ng alak, batangas
Tags: , , , ,
Oissst!, Mukha, Gawa!

Oissst! balita?
Sa tinagal-tagal ng panahon, hindi na ko nakapagsulat dito. Huwag nyong isiping natabunan na ako ng dagat ng basura, o kaya’y nakatulog na sa gitna ng kalsada sa kalasingan, nasobrahan lang ako sa paghithit ng katol at gasul, at sa paglaklak ng gaas at rubbing alcohol(esopropil) nitong mga nakaraang buwan(taon?). Kaya ito, laging mukhang tsunggong puyat na, pero take note, cute at blooming na tsunggong puyat naman.

Balik sinaunang pamamaraan ako ng pagsusulat, gamit ang yellow paper at lapis o ballpen, sa tabi ng ilog pasig habang lumalaklak ng beer. Oo, beer, kahit nagtitipid ako, dahil mahirap uminom ng gin sa tabi ng ilog pasig, saan ka naman kasi kukuha doon ng tse-ser? sa ilog? Ay anak-ng-janitor-fish, bibili na lang ako ng blade at maglalaslas ng pulso. Masarap naman ang tumambay doon, presko ang hangin kahit malansa at amoy expired na basura, pag sinuswerte eh amoy basang kilikili. Tahimik kahit may panaka-nakang sumisigaw ng “put@*& i*A! Tae pala kala ko fish!”, minsan, “gago! Alis dyan may bomba!”. Sumatutal, masaya ang tambay, ito lang ata ang lugar na naaalis ko ang pagka-miss ko sa probinsya, at paginom ng alak na wala kang babayarang additional bill at dagdag e-vat(pero binoto ko si Recto!). Ang problema nga lang, laging nawawala ang mga sinulat ko, hindi ko alam kung saan na napalagay, anak-ng-ulyaning-kambing! Kaya ito, balik sa pagta-type na lang, dahil ayon sa aking masusi at batin-tingang pag-aaral at sariling ekperiyensya, 80% ng mga dokumento na nakalagay sa dilaw na papel ay madaling nawawala kaysa dokumento na naka-save sa computer na naka-linux, at 90% ng dokumento na naka-save sa windows ay na-vi-virus o di kaya’y naco-corrupt na parang pera ng Pilipinas.

Mukha.
At dahil naka-laptop ako ngayon, pwede ako magdikit ng pitsur ko, heheeh! Salamat sa aking katrabaho at kaibigan dito sa opis sa pagpupuyat nya at paglalaan ng maaikling oras para maging kaiga-igaya ang kapaligiran ng aking pitsur. Oo, kapaligiran lang ang binago nya, wala syang niretoki sakin, kahit magaling sya sa photoshop eh hindi pa rin siya si doktora Vicky Belo, onli Belo touch my skin. Sino ito? Yung mukhang abnoynoy dati na nagpagupit at biglang nag mukhang tao(…pero pangit pa din) na si Lariz Santos(-Recto). Sa unang beses mo syang makita, dalawa lang ang papasok sa utak mo, ang tumakbo papalayo hanggat may lupa, o ang magdasal na ikaw ay tanggapin sa langit. Ganung truma ang mararanasan mo, pero iba na ngayon, nagpagupit na eh, poging-poging na, kamukha na nya ngayon si Jason ng MELASON(si Roz nga pala si Melai!), kasing ‘wapo ng mga i-deni-design nya na mga website, brochure, karikatyur, painting, tshirt print, brief, painting sa tulay na ginagamit ng MMDA, at komiks!

Gawa.
Ito ang sample komiks nya na ginawa, at syempre ako ang bida, epal eh kahit hindi lasing at tsaka crush nya kasi ako:
anakngalak-henyo with juancho

anakngalak aka henyo with juancho


o diba ang lupet? Inaantok pa siya nyan, at wala sa mood kasi kabubug-bog lang sa kanya ng girlfriend nya. Pero mas malupit ito dahil ako ang model nya, hahah!:
anakngalak

Anak ng Alak


anak-ni-dok-aga, gandang lalaki talaga! Sinong naniniwala? O tara, inuman na! Salamat Papa Lariz, kiss kita sa gums at sa tonsil pag barik na barik na ko!