Posts Tagged ‘alamat’

Usapang Sawi

Posted: April 10, 2009 in alak, anak ng alak, batangas, cr, f4, hiwaga, ibaan
Tags: , , , ,

Wala ako magawa ngayon dito sa bahay, mag-isa lang, syempre walang kasama, walang kahuntahan, walang katawanan, at higit sa lahat, walang kabarikan, paksyet. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame na kulay puti dati na ngayo’y kakulay na ng edsa noong kasagsagan ni Tita Cory, eh naisipan kung umihi, kakulay rin kasi ng ihi ng isang may lagnat itong kisame.

Diretso sa cr na marameng beses ng nasukahan ni junior, baba short, baba brief, hanap patutoy, at ayun! Nakapa ko rin, pwesto… ihi buga, hayy, ayus, kinilig pa nga ako noong pumapatak na ang mga huling sirit ng aking ihi, take note, IHI. Ito yung tinatawag na “kilig-ihi”, na kapag ginawan ng kwento ng mga batikang manggagawa ng alamat ay magiging “kilighi”, ganire ang nakikita kung ending ng alamat ng kilighi, “…At doon nagsimulang matawag itong kilig-ihi na habang lumalaon eh naging kilighi”. Yun eh.

Lalabas na sana ako sa cr pagkatapos kung iwagwag si patutoy at ibalik sa dating pwesto ang mga tumatabing dito, ngunit talaga nga namang hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mapatingin sa salamin na may konting “hamog sa tag-araw”. Napakahirap kasing tiisin ang isang bagay na masarap sa paningin, grabe, ang gwapo ko, hayy, isang bagay na wala akong magawa para remedyuhan, todo eport na nga ako eh ni hindi pa rin mabawas-bawasan kahit katiting man lang, paksheyt, nagpa-“ronreg” na nga eh wala pa rin, tsk, hirap, nakakadipres. Pero sa kabila ng aking kagwapuhan ay naaninag ko ang kalungkutan sa aking mga mata, mapupungay na mga mata. Lungkot dahil mag-isa nga lang ako at walang kasama at kabarikan. Lungkot na hindi ko mawari kung san nagmumula, doon pumasok sa aking isipan ang salitang “sawi”. Ako bay may kasawian na naman? Anong klaseng dagdag kagwapuhan na naman kaya yun? Paksheyt, unfair, laging ako, ako, ako! Oh ito’y dala lang ng puyat na hatid ng padalawang araw ng walang tulog? Ey? Adik. (Pakalat kalat kasi yung rugby dito sa kwarto eh. oy chox! yung rugby mo, tago mo naman pagkatapos mong magsalin sa plastik! nalilikot tuloy ng bata! Ayan.)

Marameng kasawian ang nakaabang sa atin at anumang oras ay pwede tayong atakihin, pwedeng sawi sa pangarap sa buhay. Kahit mga simpleng pangarap lang sa buhay ay nakakapagdulot na ito ng kasawian kapag ang bagay na iyon ay mahalaga para sa isang tao. Gusto ko lang naman ng Max kendi, ung red, dahil mas masarap yun para sa akin, swak sa aking panlasa, ngunit dahil mahina at hindi kasing lakas ng motolite ang iyong “convincing power” sa mga utol mo ay Stork ang binigay sayo, maanghang, hindi malasa, at higit sa lahat hindi red, o db, nakakadepris, peling sawi ka na at imbyerna churvah, cha-ynes veneracion, nakahikdbi habang sinusupsop ang kending hindi mo gusto habang bumubulong bulong ng “Pakyu kayo koa, butas naman ang brief tsaka hindi pa naman tuli, huh! suput!”

Mayroon ding mga sawi sa buhay. Ito yung mga peling sobrang malas na nila, yun bang minsan lang lumabas sa bahay nila eh nahuhulog pa sa estiro na katatapos lang taehan ng tatlong asong street fighter(asong kalye) na gusgusin at kasabay pang sinusukahan ng tatlong lasing na ang pinulutan pa ay panis. Ito rin ay yung mga mahihilig umakyat sa mga “footbridge” dyan sa EDSA tapos ay magkukunyaring tatalon, pero kapag mahaba-haba na ang exposure na nakuha nya sa mga camera ng mga reporters eh baba na rin, la lang, triptrip lang, la magawa sa bahay e, boring, badtrip.

Mas marame ang mga sawi sa pag-ibig. Naku, matagal ng uso ito, panahon pa ng love triangle sa pagitan ng isang homo erectus(chox), homo habilis(renan) at isa java man(bryan), yun eh ayun sa lolo ko ha. Ang kasawian sa pag-ibig ay madalas maikumpara sa katangahan/kagaguhan. Tinatanga ka na, na kahit nagdudumilat ang katutuhanang “Hoy! Tanga, niloloko ka na! Gago!” eh tuloy ka pa rin sa iyong pag-ibig na bulag sa katotohan. Ang madalas palusot? True love kasi, at sasahugan pa ng “love is blind”, ey? Gawin na lang nating “Love is blind, but marriage is the eye opener.”. Pero infairness, mahirap kasi labanan ang mga nagtitibukang puso, lalo na ngayong panahon ng semana santa, long holiday, marame-rameng date yan at eye ball ng mga kitikitexters, ingat lang, baka holdaper ang ka-eye ball mo, malas mo, nalove at first sight sa cellphone mo.

At biruin mo nga naman, mayroon ding sawi sa barikan. Hehehe! Isa dito ay yung mga hindi na kaylangan ng unan, higaan o sandalan para lang mahimbing sa pagtulog, ipatong lang ang braso sa lamesang inuman, iub-ub ang ulo dito at presto, mahimbing na ito, after 3 years na ang gising, at naglalaro na rin agad ang laway, baba, taas, baba, taas, minsan ay nakakatuwa at nakakaaliw ring pagmasdan ang tutulong laway, eksayting kung kelan siya malalaglag. Malas mo lang kung biglang humangin ng malakas at mapunta sau ang mahaba-haba na ring “lubid-laway”(patulong laway, parang yoyo kung maglaro) na sa kinalaunan ay tinawag ng “lubidway”. Yun eh, alamat na naman.

Isa pa ay yung mga nagmumukhang punching bag ni pakyaw ang lolo nya(yun bang: “Ung lolo ko!”). Hehehe! Pabilisang magisip ng ibabara mo sa kwento, istorya, pag-aari, achievements ng kabilang lolo. Ilan sa dapat na katangiang dapat taglayin ng mga nagyayabang sa lolo nya eh ang pagiging cre8tive, masusing pakikinig sa babarahing sasabihin ng katunggali, marunong magpaligo ng lokoloko, kayang patigilin ang electric fan na naka-number 3 sa pamamagitan ng pilik mata, kayang mangulangot ng walang ginagamit na pangsungkit o daliri, “look! no hands!” at higit sa lahat, ang kayabangan na sasahugan mo syempre ng humor at magandang delivery para hindi sa suntukan mauwe ang kwentuhan, hehe! Pwede sumali kahit hindi mo idol si FPJ.

Isa pa nito ay yung mga pagkatapos pa ng barikan magiging sawi, aftershock attack, parang si renan, hanggang alas-dyes ng umaga nasuka. Pasumpa sumpa pa pagnasuka, ang litanya? “Putahhh! Hindi na uleyt ako magbabarik, hek! Uuuwaaahhhhkkk! Eekkkk! Haaahh! Tang—Uuuwaaahhhhkkk!! mamatay na koww! Hindi akuu makahinga, hhaaaaaa! Uuuwaaahhhhkkk!!”.
O sya, pahid na, pahid na. Permi namang!

Ang pinakayoko lang eh ang maging isang sawing payaso. Ey? Payasong sawi. Payasong nakikita mong masaya at hindi mo pwedeng makitang malungkot o lumuluha dahil sa siya’y isang payaso. At kapag nakakita ka ng isang malungkot na payaso, para kang nadaanan ng tide, “gulat ka noh?”. Masisira nag puting make-up sa mukha, masisira ang itim na make-up sa paligid ng mata at malalaglag ang pulang bilog sa ilong, yari ka, sira ang japorms mo, wala ka na ngang tip, wala ka na ring tarbaho. Mahirap ang magsuot ng maskarang masaya araw-araw para mapagtakpan ang iyong kalungkutan, bumibigat pa ang maskarang iyon. Kaya naman saludo ako sa mga nakakagawa nito, parang commercial ng neosep, “Magaleng! Magaleng! Magaleng!”.

So pano? E biogesic na yan! “Ingat!”

ISME at ang Alamat nito

Posted: October 7, 2008 in anak ng alak
Tags: , , ,

ISME :  pronounce as “is-meh”.

Sa barangay talaibon na aming pinagmulan ng aking ka-work, kahuntahan o ka-ot-otang dila, kabiruan at kaklase mula grid 1 hanggang pers jer na si nilda(hooo, ang haba ng pasakalye ko(hingal)), ito ang tawag sa aming mga kabiyak o kasintahan na babae (babae lang, okay? Babae lang). Hindi ko alam kung sang inuman nabuo ang salitang ito. Hindi ko rin alam kung sino ang may akda. Marahil ay nakikipagkwentuhan siya sa mga kainuman niya at pinagyayabang niya ang kanyang bagong syota na ang ngalan ay Isme at ito ay naulinigan ng kanyang tunay na syota, nagpalusot marahil na ang isme na tinutukoy niya ay walang iba kundi itong tunay na syota nya, at doon nagsimula ang alamat ng Isme. NAKS! Ayus, marami talaga ang nabubuo sa mga inuman tulad ng kaibigan, kaaway, kwentong aswang, chenes, churva at ito pa, ALAMAT.

Mahalaga sa amin ni isme ang araw na to its, ito kasi ang ikapitong araw ng buwan, a-syete, hindi yung kulay berde na ipinapahid sa tiyan pag di ka mautot ha, a-sye-te, seven ( 7 ). Mahalaga kahit ang swelduhan eh akinse pa o a-trenta. Nung ikapito kasi ng hulyo, dalawang libo at tatlo eh nagtapos ang aking masuyong panliligaw sa kanya, OO, sinagot niya ako ng matamis na, OO. Nadaan ko siya sa aking matitinding banat-panliligaw at pustura na kahit lahat ata ng babae eh malalaglag ang panty kahit anong sikip ng garter nila. Hehehe, marami kasi rin akong mga adbayser noon na nagturo sa akin para maperpek ko ang art ng panliligaw, masusing pakikipag-inuman ang aking ginawa para lang malaman ko ang tamang diskarte sa pagpapaibig ng isang dalaga. Kahit anong hirap eh aking pinagdaanan para lang sa aking isme gaya ng pagtakbo ng matulin dahil sa paghabol sa akin ng hinayupak na asong gusgusin nila (bang-aw o asong olol ata eh inaalagaan pa, naisip ko noon na mas mabuti pang pulutanin), ang madale ng bubuyog at mahulog sa ilog dahil sa pagkuha ng bulaklak ng gumamela na kulang na ang petals doon sa parang para may mairegalo sa kanya, at ang pinaka matindi sa lahat, ang pagpapatule….shet!  Kaylangan daw kasi eh magpatule muna ako bago nila ako turuan ng panliligaw ayon sa aking mga matitinik na adbayser. Pinag-isipan ko yun ng mabuti, tinimbang ko ang tama at mali, kung mahal ko ba talaga itong si chnx o baka puppy love lang. Humingi rin ako ng second opinion sa aking mga kamag-anak, ngunit isa ang sabi nila, kaylangan daw talaga iyon, ang buhay daw ay parang isang sugal, kung hindi ka tataya eh hindi ka mananalo. kaya ayun, kahit labag sa aking kalooban eh nagpatule na rin ako. Buset ang hapdi, lalo na nung nahati ng labaha ang aking balat, aayaw na sana ako at tatakbo na lang pauwe para takasan ang magtutule na iyon ngunit tiniis ko alang-alang sa aking sinta. Ayus at nakaraos din, binigyan lang namin yung magtutule ng dalawang gin bilog at isang kahang hope, solve!

Ang saya ko nung mapasagot ko siya, para akong tumama sa pustahan sa laban ni pakyaw bersus moymoy palaboy, piso tamang barko(titanic), o kaya ay tumama sa lotto ng walang taya. Grabe, para akong lumulutang sa alapaap dahil sa kalasingan.

Ngayong ika-5 taon at tatlong buwan na kaming nagmamahalan at naglolokohan(hehehe) eh solve na solve naman ang aming relasyonsip, going stronger and stronger every passing day, naks. Kahit minsan eh inaaway nya ako dahil sa aking paglantak ng alak ng pamorningan, anong magagawa ko, isa ito sa aking kahinaan, isa akong anak ng alak. Iinom pag sinusumpong, iinom pag may problema, iinom pag masaya, mang-uuto ng barkada na magpainom naman pag wala akong pera, iinom ng iinom at iinom, adik. Tama nga pala ang sabi ng mama nya, noon sa akin habang pinagtatabuyan ako sa bahay nila na parang asong gusgusin, isa akong adik. Hay, mahirap talaga pag may sama ng loob ka sa isang tao, pasingit-singit kahit sa blog na iba naman ang tema. Pasensya na, tao lang, may naaalala at nararamdaman din. Pero hindi ko rin sila masisi na magalit sa akin, pero sana naman ay matanggap na nila na may asawa na ang anak nila, kahit hindi nila tanggapin ako bilang asawa ng anak nila, basta mapatawad nila ang aking isme, sana’y tanggapin ulit nila siya bilang anak. Yun lang.

Ok, erase, erase, erase. Ulitan. Baka maluha lang ako nito, wala akong tisyo na pampunas, tandaan, ang luha pag natuyo eh muta. Kaya hinay-hinay lanh kayo sa pagluha, baka magkaroon kayo ng muta sa baba.

Aniwey, hindi kame nakapag selebret kanina ni isme ng aming buwanang anibersaryo dahil sa bisi-bisihan ako sa aking work kanina. Kaya bukas eh kaylangan na talaga namin itong idaos, ito’y hindi dapat pinipigil at baka mauwi sa utot. Kaya inkebabes, san mo ga gusto tayo mag dinner date, kina bakla o dun kina taba sa kanto? Sige bukas ko na lang kukunin ang sagot mo, alam kung mahirap pumili sa dalawang yan, ito kasi ang pinakamatitindi at pinakamabentang karenderya dito sa lugar namin sa pasig. At syempre, sa gabi eh hindi mawawala ang lambanog at red horse namin dyan ni junior(o kaya ni redeye pag hindi bisi, hehehe), inom tayo kahit konti lang, hindi dapat tayo malasing at baka tayo eh magarute ni mam deng pag hinapon tayo ng pasok. Hehehe.

O sya! Inkebabes, love you na! Salamat sa pag-aaruga at pagmamahal na binibigay mo sakin, sa pag-aasikaso sakin kapag ako’y lasing at hindi na makapunta sa higaan, at higit sa lahat, ang pagkakaroon natin ng isang cute na cute na ehriel, syempre kamukha ko, cute nga eh. Buti na lang at hindi kasing tulad ng ilong ko ang nakuha ng anak natin, ang ilong ko kasi eh kung hindi nagkabutas eh mukhang pisngi. Pero artistahin parin naman. Hehehe..

HAPI  MANSARI AKING ISME!