Slightly Used

Posted: August 25, 2009 in alak, anak ng alak, batangas, hiwaga
Tags: , , , ,

“Nilda may tisyu pa ga tayo??? Wala akong makita dun sa cr eh. Eyysss!”

Ito ang banat pang-istorbo ko kay nilda kahapon (akstwali, ito’y noong isang buwan pa) habang siya’y bisi-bisihan sa harap ng laptop niyang armado ng maganda at malupit na ubuntu. Kasi ba naman, taeng tae na ko tapos wala palang tisyu na nakaantabay sa cr, ubos na rin ang sabon na maliit dahil aksidente atang napapasok sa pwet ni chox noong huling gamit nya, sobrang liit na kasi eh ikinuskos pa sa pwet nya, ayun tuloy, nahigop. Nahigop ng black hole nya. Paksyet. Wala akong magawa kundi sapilitang tumae kahit walang tisyu. Ano ba namang magbawas ng walang tisyu diba? Para namang hindi laking bukid. Wala ngang hugas-hugas noon eh, upo ka lang sa tabi-tabi ng mga puno na may magandang lilim, katabi ng matataas na talahib para maikubli ang maitim na puwet at nakalawit na itlog. Pagkatapos? Aba’y mag-short na at baka may makasilip pa, ay baka mangamatis pa kung ikaw ay bagong tuli, ouch! Hehehe!

Pero dahil maabilidad ang batangenyong gwapong ito, may nagamit parin akong tisyu. Saan? Ganito iyun, iho. Pagkatapos kung dumapo at magbawas sa upuan ng mga katatapos lang kumain eh may napansin akong mga mapuputing bagay na nakalukot sa basurahan ng cr. Hmmm. Ginamit ko ang aking utak na sa hindi ko inaasahan ay meron pa pala ako. Oi, jackpot! Mga tisyu ang nasa basurahan, medyo yupi dahil gamit na pero may mga parte pa namang sa tingin ko ay pupwede pa. Binulat-lat ko, sinipat, sinalat ang tekstura, oy, jackpot talaga, napasigaw tuloy ako, “Tibs!”. Ano ang “Tibs”? Ito’y malimit na ekspresyon ng tao doon sa amin sa talaibon kapag halimbawa ay nakakita ng piso sa daan, basitong may lamang gin sa lamesita, tsokolayt sa ibabaw ng tae ng kalabaw(yun ang cake), porno films sa baul ni lolo(hardcore!). Sa madaling salita ay masuwerte ako, ayus! Ginamit ko ang mga parte ng tisyu na maayus pa. Pagkaraan ng masinsinang pagpupunit at pagpupunas ay nalinis ko rin ang pinaglabasan ng aking masansang na kinain na giniling ng aking tiyan. Hay, saksis! YIS!

Ano ang lesson? Malay ko. Malay ko bang may lesson pala ‘to. Sige, isip ako ng magandang dahilan at isinulat ko ito, hmmm…

Lahat ng bagay ay may halaga kahit sa tingin mo’y ito ay basura na. Ito ang mga tinatawag na slightly used. Mga bagay na pwede pang pakinabangan kahit pa sabihing ito’y mukhang basura na. Parang surplus na tv na galing sa kung saan-saang bansa, parang GRO(akalain mo nga naman), at tulad ng nabanggit sa itaas, parang tisyu! Parang “Upuan” sa palasyo ng malakanyang na nilisan ni Erap na ama ni koya willy a.k.a jinggoy, slightly used lang pero napakinabangan pa ng husto ng babaeng mas unang lalapat ang mapanlinlang na nguso kaysa sa kanyang dibdib sa kulay dilaw na laso sa katapusan ng karera o finish line, lagpas pa sa HUSTO!!!! kaya tama na at husto na, labis pa! OVER USED na lola! Anong tawag na? LASPAG. Ito ang mga tao na masarap gawing tisyu, pampahid sa uhog.

Leave a comment