Lab Istori

Posted in alak, batangas, hiwaga, Salawikain, tula with tags , , , , , on October 22, 2011 by anakngalak

“Kamusta na ga? Lintik na yaah, be’y wala ng balita na sa iyo? HOY! magsulat kana uli sa anakngalak! Ako’y wala ng mabasa, lalo na ng mga walang kwentang babasahin tulad ng sa iyo! ano ga?”

Yan ang bumungad na tanong sa akin ng aking walang hiyang kaibigan sa FB na akala mo’y ako’y kanyang binabayaran kung mag-utos. Pupungas pungas pa ako habang nagkakamot ng pwet na di nauubusan ng kati. Pikit pa ang isang mata at kakabangon lamang sa higaang nabasa ng laway. Buti na lamang at nakahigop na ng dalawang lagok ng mainit na kape, kung hindi eh hindi magpoproseso sa utak ko ang aking nabasa.

Naisip ko tuloy na makumusta na rin nga ang aking pitak na ito. Aba! may isang taon na nga pala akong walang post! Anak-ng-delayed-na-dalaga! Nalintikan na.

Kaya ito, sulat lang ng kung ano-ano, masabi lang na may update. Eh napapagkamalan ng patay ang anakngalak blog. Hindi naman po sa deds na, napasarap lamang sa paglaklak at hindi na nahuhulasan kaya hindi na makapagsulat.

Noong isang araw habang ako’y walang magawa at pakuyakuyakoy lang sa veranda habang nag-iisip ng mga bastos, na sinasabayan ko ng paghigop ng kape at paghithit ng yosi, sa katanghaliang tapat, eh napansin ko ang malaking ulap na kulay puti na mabagal na umuusad sa himpapawid na hindi ko alam kung gano kalawak. Korteng puso ito na parang may li-at (crack) sa gitna. Parang maputik na itlog lang ng sira-ulong hubo. Ganong klaseng bitak. Maiintindihan mo ang gusto kung isalarawan kung nakakita ka na ng itlog ng mga taong mas malimit pang mag-birthday kesa maligo tapos ang trabaho pa ay magsaka ng bukid. Sa madaling salita, korteng pusong nabibiyak, broken-hearted cloud. awtsss! ansakit naman. Bigla ko tuloy naisip ang mga kababuyang napanood ko sa isang bold movie, yung hard core. Biyak talaga. hehehe! Pero sa usapang hindi bastusan, bigla akong naging emo. (OO, may mga emo moment din ang mga maglalasing lalo’t bagong gising!) Naisip ko ang aking mga kaibigan na kung makahingi ng advice eh akala sakin eh si PAPA JACK. (hoohooo! idol!) Naalala ko ang kanilang mga usaping puso. Pusong-pagod, pusong-lito, pusong-sabik, pusong-malibog, pusong-tanga, pusong-baliw, pusong-hindi-ko-matanto-kung-may-utak-na-kanya. Kaya ito, napagawa tuloy ako ng tula tungkol sa usaping PAG-IBIG. Yung wagas na pag-big ang tinutukoy ko, puso ang pinapairal, pagmamahal, hindi yung pag-ibig na hubo lage ang tingin sa kapareha. O ito na.

Lab Istori
may akda: sawingpayaso

Nagmahal, nasaktan
Nagbigay, pinagdamutan
Nadapa, tinapakan
Lumuha, pinagtawanan

Pag-ibig na hilaw
Ang talo ay ikaw
Sumikat man ang araw
Sa ulan ay nakatampisaw

Bakit pumapayag?
Bakit hindi man lang pumalag?
Dahil ika’y talunan
Sa tanga ay huwaran

Ngayon ay lumarga
Isiping may bukas pa
Pag sa dami pa dya’ng iba
Gaganda pa ang istorya

Magmahal muli, humandang masaktan
Magbigay muli, humandang pagdamutan
kung madapa, huwag hayaang matapakan
Tama na ang luha, pagtawanan ma’y nakatingala

Gawing makulay at maganda
Ang sariling istorya

–END

Kaya mga kapatid, kahit anong unos ang dumaan sa ating buhay-pagibig, tuloy tuloy lang. Ang salitang “bigo” at “sawi” ay hindi naimbento kung walang pag gagamitan, at hindi rin naimbento ang salitang “pag-asa”, “paglaban”, at “tagumpay” kung walang ganyan sa ating tunay na buhay.

Laban lang at ituloy ang pag-RAKENROL sa buhay. Bakit sisimangot eh ang daming dahilan para ngumiti? Tulad na lang ng libreng beer, pag nakita ang crush, pag nakaabot ng maluwalhati sa bahay pag taeng tae ka na, at syempre pa, libreng boso sa seksing tsik na walang pakundangan mag-mini-skirt sa dyip, tapos ay masama ang tingin sayo pag napatingin ka sa legs nya. aysus.

Laging tandaan mga ateh at koya:
“Hindi tayo ginising ng Dyos para sumimangot lamang.”

At oo, lasing ako kagabi! :D

Roller Coaster Ride

Posted in alak, anak ng alak, bus with tags , , , , , , , , , on October 15, 2010 by anakngalak

Ang bansang United States ang sinasabing may pinaka maraming roller coaster ayon sa aking masusing pag-go-google habang nagkakamot ng pwet na hindi ko maintindihan kung baket hindi nauubusan ng kati. Umaabot sa 614 ang bilang nila sa bansang iyon. Ang pinaka-malaki ay kayang magsakay ng 30 katao, pero pwede ring 32 kung handang sumabit at mahulog yung dalawa o kaya nama’y isinama mo sa bilang ang tsuper at kundoktor nito kung sakaling adik ka. Nakakamangha? Hindi.

Walang-wala yan dito sa Pilipinas. Kung susuriin at bibigyang pansin lang sana ng mga taga-Guiness ang EDSA, baka maubos ang pahina ng libro nila sa kabibilang at kakatara sa mga makikita nilang roller coater doon. Nasa 700-900 ang karaniwang dumadaang roller coaster doon araw-araw, at nadadagdagan pa kapag may strike ang mga dyip, at nasa humigit-kumulang 2000 kung isasama mo ang mga nahuli ng MMDA sa mga kadahilanang: walang prangkisa o kolorum, nagbubuga ng sobrang itim na usok na animo’y may nasusunog na negro sa loob ng makina, lasing ang driver, lasing ang kundoktor, walang lisensya, walang helmet o walang makina.

OO, mga bus sa EDSA ang tinutukoy ko. Mga roller coaster ang mga iyon na nagpapanggap na bus, parang mga transformer, mga transformer na made in china na tinipid sa pyesa.

Lintek kung tumakbo, aakalain mong sakay ka sa isang sasakyang pangkalawakan na galing future at minamaneho ni shaider habang kalampungan si annie. Para ka ring nakasakay sa balikat ni “The Flash” habang ito ay tumatakbong papalayo mula sa kanyang nagwawalang amazonang asawa na si Zena. Matindi. Hindi pupwedeng maglakas loob na sumakay dito ang mga may maseselan at mahihinang puso lalo na yung may malalaking itlog, tiyak, magkakapalit ng pwesto ang puso at itlog mo, ito eh kung sakaling palarin ka na makarating sa iyong pupuntahan ng hindi naaaksidente. Mararamdaman mo na lang na may natibok sa pagitan ng mga hita mo, at mararamdaman mo rin na parang gusto mong kamutin ang dibdib mo dahil sa hindi maipaliwanag na pangangati. At pag sinubukan mong tumakbo, maririnig mo ang pamilyar na tunog ng dibdib mo, yun bang “tog-tog.. tog-tog.. tog-tog.. tog-tog..”, hindi yun tunog ng tibok ng puso mo, tunog yun ng itlog mo na tumatama sa mga ribs mo, padribol-dribol sa dibdib mo. Pero wag mag-alala, hindi yan nakamamatay. Bumabalik din yan sa dating pwesto kapag kabilugan ng buwan, at ito’y pagkatapos ng “Saksi”.

Kung kaya’t ngayong nalalapit na ang pasko at kung ikaw ay nagtitipid(at ikaw ay handang gumastos ng 20 pesos), at balak mong ipasyal at e-date ang iyong girlfriend o di-kaya’y pamilya mo kasama ang mga kids, eh dito ka na sa EDSA. Hindi mo na kaylangang pumunta pa sa mga amyusment park tulad ng Enchanted Kingdom at Star City, at gumastos ng malaki para lang magsisigaw at takutin ang sarili. Punta kana lang sa EDSA, pumara ka ng bus. Piliin ang bus na hiyang sayo at sa mga anak mo, bonus kung ang bus ay naaayon sa kung kelan ka ipinanganak, zodiac sign mo, at kung anong oras ka huling tumae. Ayan presto! Sakay ka na ng roller coaster! Huwag mo lang kalilimutan na magdala ng mga snacks, larawan iyong ina , pamalit na damit, nail-cutter, at plastic bag na rin kung sakaling madali kang mapasuka. At kung ikaw ay lalaki, huwag na huwag mong kalilimutan ang supporter brief mo. Magdala na rin ng dalawang blade kung sakaling hindi mo kayanin ang “thrill at eksaytment” at magpasya kang tapusin na ang iyong masarap na paghihirap.

Pero kung ako laang ang tatanungin, mas mabuti pang magbarik na laang. 55 pesos lang ang gin kwatro, 20 pesos na pulutang anik-anik, 5 pesos na yelo (2), 38 pesos ang isang kahang yosi, at presto, paskong pasko! hohoho!

Anak ng Alak on Facebook

Posted in alak, anak ng alak with tags , on October 14, 2010 by anakngalak

OPO. May facebook page na po si Anak ng Alak.

Ito ay binuo(sa tulong ng malikhain at malikot na isipan ni r3d3ye), pinaghirapan na e-rehistro at lagyan ng Profile Picture ng ating butihing kabarikan na si Renan. Maraming salamat sa kanyang di nabaling determinasyon sa pagbuhos ng kanyang oras at pagod para sa paggawa nito. Sinuong ang haba ng proseso ng pag-rehistro at pagpupuyat malagyan lamang ng pitsur. Salamat.

Kung gusto ninyong updated kayo sa mga kahibulan ng inyong lingkod, puntahan lang at i-like ang page na ito. Doon ko sinusulat ang mga scrap-scrap ng mga bago kung sulatin, likha ng imahinasyon, at mga Facebook status na naiisip ko kapag bagong gising at may hang-over, at naiisip habang tumatae na kapupulutan ng aral lalo na ng mga “kids”, at mga bagay na talaga namang makatutulong ng malaki sa buhay ng maglalasing, at mga bagay na maaaring susi sa pag-unlad ng Pilipinas.

Kaya tara! Sali at ng mapabarik din!

 

Anak ng Alak

Anak ng Alak

 

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.